Mabilis lang para sa mga Hyster heavy-duty container handler ang mabibigat na kargada na mga 88,000 lbs kung nagmamadali ka. Ang ergonomikong dinisenyong cabin ay komportable para sa operator para sa mas mahabang paggamit, habang ang gantry-mounted na high-capacity spreader ay idinisenyo para tumagal sa bawat kargada.
MATITIBAY NA TRAK, KAYA ANG ANUMANG HAMON SA IYO
Hindi lang lakas ang kailangang sa mga daungan at terminal — dapat maingat din. Naghahatid ang Hyster ng mga kagamitan sa daungan para sa trabaho mo. Ang nako-customize na mga solusyon namin ay suportado ng malalim na unawa sa industriya at pandaigdig na suporta sa dealer para matiyak ang paglipat ng kargamento at hindi magastos.
APLIKASYON MO, MAY SOLUSYON KAMI
MGA SOLUSYON SA PAG-HANDLE NG KARGAMENTO
Ang pag-handle ng kargamento ay mahirap at lalong humihirap. Nagbabago ang dami at sumisikip ang espasyo sa imbakan na nakakasagabal sa kapasidad ng terminal. Mahirap makahanap ng mga tauhan sa daungan at nakakasagabal sa trabaho ang mga bagong regulasyon. Higit sa lahat, tumataas ang presyur sa mga terminal na bawasan ang ingay at tumugon sa mahigpit na pamantayan ng emisyon, kabilang ang decarbonization.
Maglipat ng mas maraming basyo gamit ang mas kaunting kagamitan. Ang handler ng Hyster sa mga basyo na kayang mag-double handling ay tumutulong sa mga daungan na makatipid ng oras, bawasan ang gastos, at maiwasan ang pagsisikip sa pamamagitan ng sabayang pagbubuhat ng dalawang walang laman na lalagyan.
Ilagay ang mga lalagyan nang may kumpiyansa. Ang opsyon sa elevated cabin ng Hyster ay makakatulong sa operator na mas makakita nang ayos kapag nagtatrabaho sa pangalawang riles. Binabawasan ng disenyong pantograph ang pag-alog para sa matatag na ayos sa antas ng mata, at ang opsyonal na cab tilt ay nagpapabuti ng visibility sa mataas na pagkakapatong.
Sulitin ang kakayahan ng kagamitan mo. Ang Hyster ‘piggyback’ o 'slave' clip-on attachment ay madaling nagko-convert ng non-intermodal spreader tungo sa intermodal tool para magamit ng ReachStacker sa trailer, swap bodies, at bottom-lift containers. Mabilis na natatanggal at naiimbak ang unit kapag hindi ginagamit — para sa flexible, on-demand na kakayahan.
Mahusay na maglipat ng mga lalagyan sa quayside at barge. Ang ReachStacker na may mahabang rotator head at ibinabang end-beam ay nagbibigay ng negative lift para maibaba ang mga lalagyan sa barge.
MGA SOLUSYONG PANG-BREAKBULK
Hindi permanente ang paghawak ng breakbulk. Nagbabago ang dami ng karga buwan-buwan o araw-araw. Mahirap magmaniobra sa masisikip na espasyo. Ang iba-ibang hugis at sukat ay nagpapataas ng panganib ng pinsala sa produkto at kagamitan. Kinakailangan ang matibay pero eksaktong kagamitan at bihasang operator para epektibong maglipat ng breakbulk nang walang magastos na abala.
Maglipat ng mabibigat na karga sa quayside at loob ng barko gamit ang parehong high-capacity lift truck. Ang Hyster heavy-duty forklift na may detachable counterweight ay maiaangat papasok at palabas ng barko nang hati sa dalawang bahagi — kaya magagamit ang crane na hindi kayang buhatin ang buong bigat nang sabay.
Mabilis na dalhin ang iba’t ibang karga papasok at palabas ng pantalan, pati sa loob ng iyong daungan. Sa malawak na catalog ng mga espesyal na attachment at custom engineering, may paraan para bigyan ang Hyster heavy-duty forklift mo ng tamang handling tool para sa anumang breakbulk load — at mabilis itong mapalitan para sa susunod na trabaho.
Sulitin ang imbakan at productivity sa warehouse sa terminal. Maaaring i-configure ang Hyster forklift para sa paglipat ng breakbulk cargo sa loob ng imbakan ng daungan — mula sa mga trak na may compact footprint para sa masisikip na espasyo hanggang sa mga espesyal na attachment na kayang mag-stack nang mataas at manatiling matatag nang hindi nasisira ang produkto.
NANGUNGUNA SA MGA DAUNGAN AT TERMINAL
Pinasimunuan ng Hyster ang matitibay na pang-angat mula pa noong 1920s, nagsimula sa industriya ng pagtotroso sa Pacific Northwest. Bilang isa sa mga unang kumpanyang gumamit ng spreader sa forklift para buhatin ang container, nagkaroon ang Hyster ng reputasyon sa matibay na paggawa. Sa Hyster, bawat trak ay ginawa para sa pinakamabibigat na hamon sa pinakamahihirap na kapaligiran. Ang makabagong diwa na nagtutulak sa mga solusyon namin para sa mga daungan at terminal ay makikita sa mga case study sa ibaba.
MALALAKING TRAK PARA SA MALALAKING HAMON
TUKLASIN ANG MGA PRODUKTO PARA SA MGA DAUNGAN
MGA ICE CONTAINER HANDLER
Ang mga Hyster internal combustion blangko o mabigay na container handler at ReachStacker ay nagpapabilis ng trabaho at maaasahan sa abalang mga daungan at terminal na naglilipat ng shipping containers.
MGA HEAVY-DUTY NA FORKLIFT
Ang mga Hyster high-capacity forklift na pinapagana ng internal combustion o electric engines ay kayang magdala ng bigat bilang container forklift o sa breakbulk handling.